|
MGA LARAWAN NG MGA POOK NG KASAYSAYAN NG SIMBAHAN
Bahay na Yari sa Troso ni Joseph Smith SR.
| |
Ito ay kopya ng tahanan kung saan minsang nanirahan ang mag-anak na Smith.
|
Kopya ng tahanan ni Joseph Smith Sr., itinayo sa pook na kinatirikan ng orihinal na bahay na yari sa troso na malapit sa Palmyra, New York. Itinayo ng mag-anak na Smith ang orihinal na tahanan na may isa’t kalahating palapag na pinagputul-putol na troso pagdating nila sa Palmyra.
Mahahalagang Pangyayari: Sa bahay na ito sinaliksik ni Propetang Joseph Smith ang Biblia sa kanyang pagsusumikap na malaman kung aling simbahan ang tama ( JS—K 1:11–13). Nagpakita si Moroni kay Joseph at sinabi sa kanya ang tungkol sa laminang Aklat ni Mormon ( JS—K 1:30–47).
|