Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
MGA LARAWAN NG MGA POOK SA MGA BANAL NA KASULATAN
Betlehem
Sa lunsod na ito isinilang ang Panginoong Jesucristo.
Ipinakikita ng larawang ito ang mababatong burol at parang na pinagpapastulan sa gawing harapan, kasama ang makabagong lunsod ng Betlehem sa likuran.
Mahahalagang Pangyayari: Si Raquel ay inilibing malapit dito (Gen. 35:16–20). Sina Ruth at Boaz ay nanirahan dito (Ruth 1:19–2:4). Si Haring David ay isinilang at pinahiran ng langis upang maging hari rito (1 Sam. 16:1–13). Dito isinilang ang Tagapagligtas, at ang mga pastol at Pantas na Lalaki ay sumamba sa kanya (Mat. 2:1–11; Lucas 2:4–16). (Tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Betlehem.”)