Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
MGA LARAWAN NG MGA POOK SA MGA BANAL NA KASULATAN
Libingan ng mga Patriyarka
Sinasabing ang gusaling ito sa Hebron ay itinayo sa pook na pinaglibingan kina Abraham, Isaac, at Jacob.
Isa sa pinakatanyag na gusali sa buong Banal na Lupain. Ito ay ipinatayo sa Hebron ni Haring Herodes sa kinaugaliang pook ng yungib ng Macpela, na binili ni Abraham bilang pook na paglilibingan ng mag-anak (Gen. 23).
Mahahalagang Pangyayari: Pook na pinaglibingan kina Sara (Gen. 23) at Abraham (Gen. 25:9). Sina Isaac, Rebeca, at Lea ay dito rin inilibing (Gen. 49:30–31). Ang katawan ni Jacob ay dinala mula Egipto patungong Canaan at inilibing sa yungib (Gen. 50).