Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG AKLAT NI ALMA
ANG ANAK NA LALAKI NI ALMA
Binubuo ng mga kabanata 45 hanggang 62 na pinagsama-sama.
KABANATA 45
  16 At sinabi niya: Ganito ang wika ng Panginoong Diyos—aSumpain ang lupain, oo, ang lupaing ito, sa lahat ng bansa, lahi, wika, at tao, tungo sa pagkawasak, na gumagawa ng kasamaan, kapag sila ay ganap nang hinog; at tulad ng pagkakasabi ko ay gayon ang mangyayari; sapagkat ito ang pagsusumpa at bpagbabasbas ng Diyos sa lupain, sapagkat ang Panginoon ay hindi makatitingin sa kasalanan nang may cmunti mang antas ng pagpapahintulot.

Mga Talababa
16a
2 Ne. 1:7.
  7 Kaya nga, ang alupaing ito ay inilaan para sa kanya na siya niyang dadalhin. At kung mangyayari na kanilang paglilingkuran siya alinsunod sa mga kautusang kanyang ibinigay, ito ay magiging lupain ng bkalayaan sa kanila; anupa’t, hindi sila kailanman madadala sa pagkabihag; kung magkagayon man, ito ay dahil sa kasamaan; sapagkat kung ang kasamaan ay lalaganap ay csusumpain ang lupain ng dahil sa kanila, ngunit sa mabubuti, ito ay pagpapalain magpakailanman.
Alma 37:31.
  31 Oo, at sumpain nawa ang lupain magpakailanman sa mga yaong manggagawa ng kadiliman at sa mga lihim na pagsasabwatan, maging hanggang sa pagkalipol, maliban kung sila ay magsisisi bago sila ganap na mahinog.
Eter 2:8–12.
  8 At siya ay nanumpa sa kanyang kapootan sa kapatid ni Jared, na sinuman ang mag-aangkin sa lupang pangakong ito, mula sa panahong yaon at magpakailanman, ay dapat amagsilbi sa kanya, ang tunay at tanging Diyos, o sila ay blilipulin kapag ang kaganapan ng kanyang kapootan ay sasapit sa kanila.
b
D at T 130:21.
  21 At kapag tayo ay nagtatamo ng anumang mga pagpapala mula sa Diyos, ito ay dahil sa pagsunod sa batas kung saan ito ay nakasalalay.
c
D at T 1:31.
  31 Sapagkat ako, ang Panginoon ay hindi makatitingin sa akasalanan nang may pinakamaliit na antas ng pagsasaalang-alang;