Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG AKLAT NI ALMA
ANG ANAK NA LALAKI NI ALMA
KABANATA 22
  29 At gayon din maraming Lamanita sa may silangan ng dalampasigan, kung saan sila naitaboy ng mga Nephita. At sa gayon ang mga Nephita ay halos mapalibutan ng mga Lamanita; gayon pa man, naangkin ng mga Nephita ang lahat ng hilagang bahagi ng lupaing humahanggan sa ilang, sa unahan ng ilog Sidon, mula sa silangan hanggang sa kanluran, sa palibot ng gilid ng ilang; sa hilaga, maging hanggang sa makarating sila sa lupain na tinatawag nilang aMasagana.

Mga Talababa
29a
Alma 52:9.
  9 At siya ay nagpadala rin ng mga utos sa kanya na nararapat niyang patibayin ang lupaing Masagana, at pangalagaan ang amakitid na daanan na tumutuloy sa lupaing kahilagaan, na baka makuha ng mga Lamanita ang dakong yaon at magkaroon ng lakas upang ligaligin sila sa lahat ng panig.
Alma 63:5.
  5 At ito ay nangyari na, na si Hagot, siya na labis na mausisang lalaki, kaya nga, siya ay humayo at gumawa ng napakalaking sasakyang-dagat, sa mga hangganan ng lupaing Masagana, sa may lupaing Kapanglawan, at pinalayag ito sa may kanlurang dagat, sa may amakitid na daanan na tumutuloy sa lupaing pahilaga.