IKATLONG NEPHI Ang Aklat ni Nephi ANG ANAK NI NEPHI, NA ANAK NI HELAMAN
KABANATA 26
Ipinaliwanag ni Jesus ang lahat ng bagay mula sa simula hanggang sa katapusan—Ang mga sanggol at bata ay nangusap ng mga kagila-gilalas na bagay na hindi maaaring isulat—Silang nasa Simbahan ni Cristo ay may pagkakapantay-pantay sa lahat ng bagay sa kanila. Mga A.D. 34.
1
At ngayon ito ay nangyari na, nang sabihin ni Jesus ang mga bagay na ito ay ipinaliwanag niya yaon sa maraming tao; at kanyang ipinaliwanag ang lahat ng bagay sa kanila, maging ang napakahalaga o di gaanong mahalaga.
2
At kanyang winika: aAng mga banal na kasulatang ito, na wala sa inyo, ay iniutos ng Ama na ibigay ko sa inyo; sapagkat karunungan sa kanya na nararapat ibigay ang mga ito sa mga darating na salinlahi.
3
At kanyang ipinaliwanag ang lahat ng bagay, maging mula sa simula hanggang sa panahon na siya ay paparito sa kanyang akaluwalhatian—oo, maging ang lahat ng bagay na mangyayari sa balat ng lupa, maging hanggang sa ang mga belemento ay matunaw sa matinding init, at ang lupa ay sama-samang cmababalot katulad ng nakalulon na papel, at ang langit at ang lupa ay lilipas;
4
At maging sa adakila at huling araw, na ang lahat ng tao, at lahat ng magkakamag-anak, at lahat ng bansa at wika ay btatayo sa harapan ng Diyos, upang hatulan sa kanilang mga gawa, kung sila ay mabubuti o kung sila ay masasama—
5
Kung sila ay naging mabubuti, tungo sa apagkabuhay na mag-uli sa buhay na walang hanggan; at kung sila ay naging masasama, sa pagkabuhay na mag-uli sa kapahamakan; bilang magkaagapay, isa sa isang dako at ang isa sa kabilang dako, alinsunod sa awa, at bkatarungan, at sa kabanalan na na kay Cristo, na buhay na cbago pa nagsimula ang daigdig.
6
At ngayon hindi maaaring isulat sa aklat na ito maging ang aika-isandaang bahagi ng mga bagay na tunay na itinuro ni Jesus sa mga tao;
7
Ngunit masdan, ang mga alamina ni Nephi ay naglalaman ng malaking bahagi ng mga bagay na kanyang itinuro sa mga tao.
8
At ang mga bagay na ito ay isinulat ko, na isang maliit na bahagi ng mga bagay na kanyang itinuro sa mga tao; at isinulat ko ang mga iyon sa layuning yaon ay muling madala sa mga taong ito, amula sa mga Gentil, alinsunod sa mga salitang winika ni Jesus.
9
At kapag kanilang matanggap ito, na kapaki-pakinabang munang mapasakanila, upang subukin ang kanilang pananampalataya, at kung mangyayari na sila ay maniniwala sa mga bagay na ito, sa gayon, ang mga bagay na ahigit na dakila ay ipaaalam sa kanila.
10
At kung mangyayari na sila ay hindi maniniwala sa mga bagay na ito, sa gayon, ang mga bagay na higit na dakila ay aipagkakait sa kanila, tungo sa kanilang ikasusumpa.
11
Masdan, isusulat ko na sana ang mga yaon, lahat ng nakaukit sa mga lamina ni Nephi, ngunit ipinagbawal ito ng Panginoon, sinasabing: aSusubukin ko ang pananampalataya ng aking mga tao.
12
Kaya nga, ako, si Mormon ay isinusulat ang mga bagay na iniutos sa akin ng Panginoon. At ngayon ako, si Mormon, ay nagtatapos sa aking mga pananalita, at magpapatuloy sa pagsulat sa mga bagay na iniutos sa akin.
13
Kaya nga, nais kong inyong mamasdan na tunay na tinuruan ng Panginoon ang mga tao, sa loob ng tatlong araw; at pagkatapos niyon ay aipinakita niya ang kanyang sarili sa kanila nang madalas, at madalas na magputul-putol ng btinapay, at binabasbasan ito, at ibinibigay ito sa kanila.
14
At ito ay nangyari na, na siya ay nagturo at anaglingkod sa mga anak ng maraming tao na nabanggit, at kanyang bkinalagan ang kanilang mga dila, at sila ay nangusap sa kanilang mga ama ng mga dakila at kagila-gilalas na bagay, maging higit na dakila kaysa roon sa kanyang inihayag sa mga tao; at kanyang kinalagan ang kanilang mga dila nang sila ay makapangusap.
15
At ito ay nangyari na, na matapos na siya ay umakyat sa langit—sa ikalawang pagkakataon na ipinakita niya ang kanyang sarili sa kanila, at nagtungo sa Ama, matapos na apagalingin ang lahat ng kanilang mga may karamdaman, at ang kanilang mga pilay, at buksan ang mga mata ng kanilang mga bulag at alisin ang bara sa mga tainga ng mga bingi, at maging sa magawa ang lahat ng uri ng mga pagpapagaling sa kanila, at ibangon ang isang tao mula sa patay, at ipakita ang kanyang kapangyarihan sa kanila, at umakyat sa Ama—
16
Masdan, ito ay nangyari na, na kinabukasan ang maraming tao ay nagtipun-tipong magkakasama, at kapwa nila nakita at narinig ang mga batang ito; oo, maging ang mga asanggol ay nagbukas ng kanilang mga bibig at nangusap ng mga kagila-gilalas na bagay; at ang mga bagay na kanilang winika ay ipinagbawal na isulat ng sinumang tao.
17
At ito ay nangyari na, na ang mga adisipulong pinili ni Jesus ay nagsimula buhat sa panahong yaon na bmagbinyag at magturo sa kasindami ng lumapit sa kanila; at kasindami ng nagpabinyag sa pangalan ni Jesus ay napuspos ng Espiritu Santo.
18
At marami sa kanila ang nakakita at nakarinig ng mga bagay na hindi masasambit, na ahindi pinahihintulutang isulat.
19
At sila ay nagturo, at naglingkod sa isa’t isa; at may apagkakapantay-pantay sila sa blahat ng bagay sa kanila, bawat tao ay nakikitungo nang makatarungan sa isa’t isa.
20
At ito ay nangyari na, na isinagawa nila ang lahat ng bagay maging katulad ng iniutos ni Jesus sa kanila.
21
At sila na nabinyagan sa pangalan ni Jesus ay tinawag na asimbahan ni Cristo.
|