Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
IKATLONG NEPHI
Ang Aklat ni Nephi

ANG ANAK NI NEPHI, NA ANAK NI HELAMAN
KABANATA 24
Ang sugo ng Panginoon ang maghahanda ng daan para sa Ikalawang Pagparito—Si Cristo ay uupo sa hukuman—Ang Israel ay inutusang magbayad ng ikasampung bahagi at mga handog—Isang aklat ng alaala ang iningatan—Ihambing sa Malakias 3. Mga A.D. 34.
  1 At ito ay nangyari na, na kanyang iniutos sa kanila na nararapat nilang isulat ang mga salitang ibinigay ng Ama kay Malakias, na kanyang sasabihin sa kanila. At ito ay nangyari na, na matapos na ang mga iyon ay maisulat, kanyang ipinaliwanag yaon. At ito ang mga salitang kanyang sinabi sa kanila, sinasabing: Ganito ang sinabi ng Ama kay Malakias—Masdan, isusugo ko ang aking asugo, at kanyang ihahanda ang daan bago ako pumarito, at ang Panginoong inyong hinahanap ay paroroong bigla sa kanyang templo, maging ang sugo ng tipan, na inyong kinalulugdan; masdan, siya ay paparito, wika ng Panginoon ng mga Hukbo.
  2 Ngunit sino ang amakatatagal sa araw ng kanyang pagparito, at sino ang makapananatili kapag siya ay magpakita? Sapagkat siya ay katulad ng apoy ng isang bmaglalantay, at katulad ng sabon ng isang tagapagpaputi.
  3 At siya ay mauupo katulad ng isang maglalantay at magdadalisay ng pilak; at kanyang dadalisayin ang mga aanak na lalaki ni Levi, at lilinisin sila katulad ng ginto at pilak, upang sila ay bmakapag-alay sa Panginoon ng handog sa kabutihan.
  4 Pagkatapos, ang handog ng Juda at Jerusalem ay magiging kalugud-lugod sa Panginoon, katulad noong sinauna, at katulad ng mga taong lumipas.
  5 At ako ay lalapit sa inyo sa paghatol; at ako ay magiging handang saksi laban sa mga mangkukulam, at laban sa mga nakikiapid, at laban sa mga bulaang saksi, at laban sa yaong nandaraya sa upahan sa kanyang pasahod, sa balo at mga awalang ama, at sa nagsasaisantabi sa dayuhan, at hindi natatakot sa akin, wika ng Panginoon ng mga Hukbo.
  6 Sapagkat ako ang Panginoon, hindi ako nagbabago; kaya nga kayong mga anak na lalaki ni Jacob ay hindi mauubos.
  7 Maging mula noong mga araw ng inyong mga ama kayo ay alumihis sa aking mga ordenansa, at hindi ninyo sinunod ang mga yaon. bMagbalik kayo sa akin at ako ay magbabalik sa inyo, wika ng Panginoon ng mga Hukbo. Ngunit inyong sinabi: Ano ang kailangan naming gawin upang makabalik?
  8 Nanakawan ba ng tao ang Diyos? Gayunman, inyo akong ninakawan. Ngunit inyong sinasabi: Sa ano namin kayo ninakawan? Sa mga aikasampung bahagi at mga bhandog.
  9 Kayo ay isinumpa ng isang sumpa, sapagkat ninakawan ninyo ako, maging nitong buong bansa.
  10 Dalhin ninyo ang lahat ng aikasampung bahagi sa kamalig nang magkaroon ng pagkain sa aking bahay; at subukin ninyo ako ngayon, wika ng Panginoon ng mga Hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga durungawan ng langit, at ibubuhos sa inyo ang isang bpagpapala na walang sapat na lugar na mapaglalagyan nito.
  11 At aking pagsasabihan ang maninila para sa inyong mga kapakanan, at hindi niya sisirain ang mga bunga ng inyong lupa; ni malalagasan man ng bunga ang inyong ubasan sa mga bukid nang wala sa panahon, wika ng Panginoon ng mga Hukbo.
  12 At lahat ng bansa ay tatawagin kayong pinagpala sapagkat kayo ay magiging isang kalugud-lugod na lupain, wika ng Panginoon ng mga Hukbo.
  13 Ang inyong mga salita ay naging lapastangan laban sa akin, wika ng Panginoon. Gayunman, inyong sinasabi: Ano ang aming sinabi laban sa inyo?
  14 Inyong sinabi: Walang saysay ang maglingkod sa Diyos, at ano ang kapakinabangan na aming sundin ang kanyang mga ordenansa at ang kami ay lumakad na nagdadalamhati sa harapan ng Panginoon ng mga Hukbo?
  15 At ngayon, tinatawag namin ang palalo na masaya, oo, sila na gumagawa ng kasamaan ay nasa ayos; oo, sila na tumutukso sa Diyos ay naligtas pa.
  16 Pagkatapos, sila na natatakot sa Panginoon ay madalas na anakipag-usap sa isa’t isa, at pinakinggan ng Panginoon at dininig; at isang baklat ng alaala ang isinulat sa harapan niya para sa kanila na natakot sa Panginoon, at gumugunita sa kanyang pangalan.
  17 At sila ay magiging akin, wika ng Panginoon ng mga Hukbo, sa araw na yaon kung kailan aking abubuuin ang aking mga hiyas; at akin silang ililigtas katulad ng isang taong nagliligtas ng kanyang sariling anak na naglilingkod sa kanya.
  18 Pagkatapos, kayo ay magbabalik at amakikilala ang pagkakaiba ng mabuti at ng masama, siya na naglilingkod sa Diyos at siya na hindi naglilingkod sa kanya.