Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG IKALAWANG AKLAT NI NEPHI
KABANATA 6
Muling iniulat ni Jacob ang kasaysayan ng mga Judio: Ang pagkabihag at pagbabalik mula sa Babilonia; ang ministeryo at pagkakapako sa krus ng Banal ng Israel; ang matatanggap na tulong mula sa mga Gentil; at panunumbalik sa huling araw ng mga Judio kapag naniwala sila sa Mesiyas. Mga 559–545 B.C.
  1 Ang mga salita ni Jacob, na kapatid ni Nephi, na kanyang sinabi sa mga tao ni Nephi:
  2 Masdan, mga minamahal kong kapatid, ako, si Jacob, na tinawag ng Diyos, at inordenan alinsunod sa kanyang banal na orden, at itinalaga ng aking kapatid na si Nephi, na inyong kinikilala bilang isang ahari o isang tagapagtanggol, at kung kanino kayo ay umaasa para sa kaligtasan, masdan inyong nalalaman na lubhang maraming bagay na ang aking nasabi sa inyo.
  3 Gayon pa man, ako ay nagsasalitang muli sa inyo; sapagkat inaalaala ko ang kapakanan ng inyong mga kaluluwa. Oo, labis ang aking pag-aalaala sa inyo; at nalalaman din ninyo na noon pa man ay nag-aalaala na ako. Sapagkat akin kayong pinagpayuhan nang buong sigasig; at itinuro ko sa inyo ang mga salita ng aking ama; at nangusap ako sa inyo hinggil sa lahat ng bagay na nasusulat, mula sa pagkakalikha ng daigdig.
  4 At ngayon, masdan, ako ay mangungusap sa inyo hinggil sa mga bagay na nangyayari, at yaong mga mangyayari pa; kaya nga, babasahin ko sa inyo ang mga salita ni aIsaias. At yaon ang mga salitang ninanais ng aking kapatid na aking sabihin sa inyo. At ako ay nangungusap sa inyo para sa inyong sariling kapakanan, upang matuto kayo at papurihan ang pangalan ng inyong Diyos.
  5 At ngayon, ang mga salitang aking babasahin ay yaong mga sinabi ni Isaias hinggil sa buong sambahayan ni Israel; anupa’t ang mga iyon ay maaaring ihalintulad sa inyo, sapagkat kayo ay kabilang sa sambahayan ni Israel. At maraming bagay ang mga nasabi ni Isaias na maaaring ihalintulad sa inyo, sapagkat kayo ay kabilang sa sambahayan ni Israel.
  6 At ngayon, ito ang mga salita: aGanito ang wika ng Panginoong Diyos: Masdan, itataas ko ang aking kamay sa mga Gentil, at itatayo ko ang aking bsagisag sa mga tao; at kakalungin nila ang iyong mga anak na lalaki sa kanilang mga bisig, at ang iyong mga anak na babae ay papasanin sa kanilang mga balikat.
  7 At mga hari ang iyong magiging mga tagakandiling ama, at ang kanilang mga reyna ay iyong mga tagakandiling ina; magsisiyukod sila sa iyo na ang kanilang mga mukha ay nasa lupa, at hihimurin ang alikabok ng iyong mga paa; at iyong makikilala na ako ang Panginoon; sapagkat ang mga anaghihintay sa akin ay hindi mahihiya.
  8 At ngayon, ako, si Jacob, ay mangungusap nang bahagya hinggil sa mga salitang ito. Sapagkat masdan, ipinakita sa akin ng Panginoon na ang mga yaong nasa aJerusalem, kung saan tayo nagmula, ay napatay at mga bdinalang bihag.
  9 Gayon pa man, ipinakita sa akin ng Panginoon na muli silang amagbabalik. At ipinakita rin niya sa akin na ang Panginoong Diyos, ang Banal ng Israel, ay magpapakita ng kanyang sarili sa kanila sa laman; at matapos niyang ipakita ang sarili ay kanilang pahihirapan siya at bipapako sa krus, ayon sa mga salita ng anghel na kumausap sa akin.
  10 At matapos nilang patigasin ang kanilang mga puso at patigasin ang kanilang mga leeg laban sa Banal ng Israel, masdan, ang apaghuhukom ng Banal ng Israel ay sasapit sa kanila. At darating ang araw na sila ay babagabagin at pahihirapan.
  11 Samakatwid, matapos na itaboy sila nang paroo’t parito, sapagkat gayon ang wika ng anghel, marami ang pahihirapan sa laman, at hindi pahihintulutang masawi, dahil sa mga panalangin ng matatapat; ikakalat sila at babagabagin, at kapopootan; gayon pa man, ang Panginoon ay magiging maawain sa kanila, na akapag makarating sila sa bkaalaman ng kanilang Manunubos, sila ay muling sama-samang ctitipunin sa mga lupaing kanilang mana.
  12 At pinagpala ang mga aGentil, sila na mga isinulat ng propeta; sapagkat masdan, kung sakali mang magsisisi sila at hindi kakalabanin ang Sion, at hindi makikiisa sa yaong makapangyarihan at bkarumal-dumal na simbahan, sila ay maliligtas; sapagkat tutuparin ng Panginoong Diyos ang kanyang mga ctipan na kanyang ginawa sa kanyang mga anak; at sa kadahilanang ito isinulat ng propeta ang mga bagay na ito.
  13 Samakatwid, sila na kumakalaban sa Sion at sa mga pinagtipanang tao ng Panginoon ay hihimurin ang alikabok sa kanilang mga paa; at ang mga tao ng Panginoon ay hindi amahihiya. Sapagkat ang mga tao ng Panginoon ay sila na mga bnaghihintay sa kanya; sapagkat kanila pa ring hinihintay ang pagparito ng Mesiyas.
  14 At masdan, ayon sa mga salita ng propeta, ang Mesiyas ay muling paparito sa aikalawang pagkakataon upang bawiin silang muli; anupa’t bipakikita niya ang kanyang sarili sa kanila sa kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian, tungo sa cpagkawasak ng kanilang mga kaaway, sa pagdating ng araw na yaon na maniniwala sila sa kanya; at hindi niya lilipulin ang naniniwala sa kanya.
  15 At sila na hindi maniniwala sa kanya ay alilipulin, kapwa sa pamamagitan ng bapoy, at sa pamamagitan ng bagyo, at sa pamamagitan ng lindol, at sa pamamagitan ng mga pagdanak ng dugo, at sa pamamagitan ng mga csalot, at sa pamamagitan ng taggutom. At makikilala nila na ang Panginoon ay Diyos, ang Banal ng Israel.
  16 aSapagkat makukuha ba sa makapangyarihan ang kanyang huli, o ang btalagang nabihag ay makalalaya?
  17 Subalit ganito ang wika ng Panginoon: Maging ang mga abihag ng makapangyarihan ay kukunin, at ang huli ng kakila-kilabot ay makalalaya; sapagkat bililigtas ng cMakapangyarihang Diyos ang kanyang mga pinagtipanang tao. Sapagkat ganito ang wika ng Panginoon: Makikipaglaban ako sa kanila na nakikipaglaban sa iyo—
  18 At pakakainin ko sila na nang-aapi sa iyo, ng kanilang sariling laman; at malalango sila ng kanilang sariling dugo gaya ng matamis na alak; at makikilala ng lahat ng tao na ako ang Panginoon, ang iyong Tagapagligtas at iyong aManunubos, ang bMakapangyarihan ni Jacob.