Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG IKALAWANG AKLAT NI NEPHI
KABANATA 3
  19 At ang mga salitang kanyang isusulat ay mga salitang kapaki-pakinabang sa aking karunungan na dapat ipahayag sa abunga ng iyong balakang. At iyon ay mangyayari na parang ang bunga ng iyong balakang ay sumigaw sa kanila bmula sa alabok; sapagkat nalalaman ko ang kanilang pananampalataya.

Mga Talababa
19a
D at T 28:8.
  8 At ngayon, masdan, sinasabi ko sa iyo na ikaw ay magtungo sa mga aLamanita at mangaral ng aking bebanghelyo sa kanila; at yayamang kanilang tinatanggap ang iyong mga turo ipangyari mong maitatag ang aking simbahan sa kanila; at ikaw ay makatatanggap ng mga paghahayag, subalit huwag mong isulat ang mga yaon sa pamamaraan ng kautusan.
b
Is. 29:4.
2 Ne. 27:13.
  13 At wala nang ibang makamamalas nito, maliban sa ilan alinsunod sa kalooban ng Diyos, upang magbigay ng patotoo sa kanyang salita sa mga anak ng tao; sapagkat ang Panginoong Diyos ang nagsabi na ang mga salita ng matatapat ay magsasalita na para bang amula sa patay.
2 Ne. 33:13.
  13 At ngayon, mga minamahal kong kapatid, lahat kayo na nabibilang sa sambahayan ni Israel, at lahat kayo na nasa mga dulo ng mundo, nagsasalita ako sa inyo gaya ng tinig ng isang asumisigaw mula sa alabok: Paalam hanggang sa dumating ang dakilang araw na yaon.
Morm. 9:30.
  30 Masdan, nangungusap ako sa inyo na parang ako ay anangungusap mula sa patay; sapagkat alam kong mapapasainyo ang aking mga salita.
Moro. 10:27.
  27 At pinapayuhan ko kayo na alalahanin ang mga bagay na ito; sapagkat ang panahon ay mabilis na darating na malalaman ninyo na hindi ako nagsisinungaling, sapagkat makikita ninyo ako sa hukuman ng Diyos; at sasabihin sa inyo ng Panginoong Diyos: Hindi ba’t ipinahayag ko ang aking mga asalita sa inyo, na isinulat ng taong ito, katulad ng isang bsumisigaw mula sa mga patay, oo, maging katulad ng isang nangungusap mula sa calabok?