Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG IKALAWANG AKLAT NI NEPHI
KABANATA 2
  13 At kung sasabihin ninyong awalang batas, sasabihin din ninyong walang kasalanan. Kung sasabihin ninyong walang kasalanan, sasabihin din ninyong walang katwiran. At kung walang katwiran ay walang kaligayahan. At kung walang kabutihan ni kaligayahan ay walang kaparusahan ni kalungkutan. At kung wala ang mga bagay na bito ay walang Diyos. At kung walang Diyos ay wala tayo, ni ang mundo; sapagkat hindi sana magkakaroon ng paglikha sa mga bagay, ni kumikilos o pinakikilos, anupa’t, lahat ng bagay ay tiyak na maglalaho.

Mga Talababa
13a
2 Ne. 9:25.
  25 Samakatwid, siya ay nagbigay ng abatas; at kung saan bwalang batas na ibinigay ay walang kaparusahan; at kung walang kaparusahan ay walang paghatol; at kung walang paghatol ang mga awa ng Banal ng Israel ang aangkin sa kanila, dahil sa pagbabayad-sala; sapagkat sila ay ililigtas ng kapangyarihan niya.
b
Alma 42:13.
  13 Anupa’t alinsunod sa katarungan, ang aplano ng pagtubos ay hindi maisasakatuparan, tanging sa mga hinihingi ng bpagsisisi ng tao sa kalagayang ito ng paghahanda, oo, dito sa kalagayang ito ng pagsubok; sapagkat maliban sa mga hinihinging ito, ang awa ay hindi magkakaroon ng bisa maliban kung wawasakin nito ang gawa ng katarungan. Ngayon, ang gawa ng katarungan ay hindi maaaring mawasak; kung magkakagayon, ang Diyos ay ctitigil sa pagiging Diyos.