Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG IKALAWANG AKLAT NI NEPHI
KABANATA 1
  7 Kaya nga, ang alupaing ito ay inilaan para sa kanya na siya niyang dadalhin. At kung mangyayari na kanilang paglilingkuran siya alinsunod sa mga kautusang kanyang ibinigay, ito ay magiging lupain ng bkalayaan sa kanila; anupa’t, hindi sila kailanman madadala sa pagkabihag; kung magkagayon man, ito ay dahil sa kasamaan; sapagkat kung ang kasamaan ay lalaganap ay csusumpain ang lupain ng dahil sa kanila, ngunit sa mabubuti, ito ay pagpapalain magpakailanman.

Mga Talababa
7a
Alma 46:10, 20.
  10 Oo, nakikita natin na si Amalikeo, dahil sa siya ay isang taong may tusong pamamaraan at isang taong maraming mahihibok na salita, kaya nga naakay niyang palayo ang mga puso ng maraming tao upang gumawa ng masama; oo, at upang hangaring wasakin ang simbahan ng Diyos, at wasakin ang saligan ng akalayaan na ibinigay ng Diyos sa kanila, o pagpapalang ipinadala ng Diyos sa ibabaw ng lupain alang-alang sa bmabubuti.
b
2 Ne. 10:11.
  11 At ang lupaing ito ay magiging lupain ng akalayaan sa mga Gentil, at hindi magkakaroon ng mga bhari sa lupain, na ibabangon sa mga Gentil.
c
Alma 45:10–14, 16.
  10 At ito ang mga salita: Masdan, nahihiwatigan ko na ang mga tao ring ito, ang mga Nephita, alinsunod sa diwa ng paghahayag na nasa akin, sa loob ng aapat na raang taon mula sa panahong ipakikita ni Jesucristo ang kanyang sarili sa kanila, ay manghihina sa bkawalang-paniniwala.
Morm. 1:17.
  17 Ngunit ako ay namalagi sa kanila, ngunit ako ay pinagbawalang mangaral sa kanila, dahil sa katigasan ng kanilang mga puso; at dahil sa katigasan ng kanilang mga puso ang lupain ay aisinumpa dahil sa kanila.
Eter 2:8–12.
  8 At siya ay nanumpa sa kanyang kapootan sa kapatid ni Jared, na sinuman ang mag-aangkin sa lupang pangakong ito, mula sa panahong yaon at magpakailanman, ay dapat amagsilbi sa kanya, ang tunay at tanging Diyos, o sila ay blilipulin kapag ang kaganapan ng kanyang kapootan ay sasapit sa kanila.