Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG IKALAWANG AKLAT NI NEPHI
KABANATA 1
  27 At talagang kinakailangan na ang akapangyarihan ng Diyos ay mapasakanya, maging sa kanyang pag-uutos sa inyo na kayo ay kinakailangang sumunod. Datapwat masdan, ito ay hindi siya, kundi ito ang bEspiritu ng Panginoon na nasa kanya, na cnagbubukas ng kanyang bibig sa pagsasalita kaya’t hindi niya ito maitikom.

Mga Talababa
27a
1 Ne. 17:48.
  48 At ngayon ito ay nangyari na, nang sabihin ko ang mga salitang ito sila ay nagalit sa akin, at nagnais na ihagis ako sa kailaliman ng dagat; at nang sila ay palapit na upang pagbuhatan ako ng kamay ako ay nangusap sa kanila, sinasabing: Sa pangalan ng Pinakamakapangyarihang Diyos, inuutusan ko kayong huwag ninyo akong asalingin, sapagkat ako ay puspos ng bkapangyarihan ng Diyos, maging hanggang sa pagkadaig ng aking laman; at sinuman ang magbubuhat ng kamay sa akin ay cmalalantang katulad ng tuyong tambo; at siya ay mawawalang-kabuluhan sa harapan ng kapangyarihan ng Diyos, sapagkat babagabagin siya ng Diyos.
b
D at T 121:43.
  43 aPagsabihan sa tamang pagkakataon nang may kataliman, kapag pinakikilos ng Espiritu Santo; at pagkatapos ay magpakita ng ibayong bpagmamahal sa kanya na iyong pinagsabihan, at baka ka niya ituring na kaaway;
c
D at T 33:8.
  8 aIbuka ang inyong mga bibig at ang mga ito ay mapupuno, at kayo ay matutulad maging kay bNephi noong sinauna, na naglakbay mula sa Jerusalem patungong ilang.