Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG UNANG AKLAT NI NEPHI
ANG KANYANG PANUNUNGKULAN AT MINISTERYO
KABANATA 5
Si Saria ay dumaing laban kay Lehi—Kapwa sila nagalak sa pagbabalik ng kanilang mga anak—Sila ay nag-alay ng mga hain—Ang mga laminang tanso ay naglalaman ng mga sulat ni Moises at ng mga propeta—Tinukoy ng mga lamina na si Lehi ay binhi ni Jose—Si Lehi ay nagpropesiya hinggil sa kanyang mga inapo at ang pangangalaga sa mga lamina. Mga 600–592 B.C.
  1 At ito ay nangyari na, na matapos kaming magtungo sa ilang sa aming ama, masdan, siya ay napuspos ng galak, at gayon din, ang aking inang si aSaria ay lubhang nagalak, sapagkat tunay na siya ay nagdalamhati dahil sa amin.
  2 Sapagkat inakala niya na kami ay nangasawi sa ilang; at siya rin ay dumaing laban sa aking ama, sinasabi sa kanya na siya ay isang mapangitaing tao; sinasabing: Masdan inilayo mo kami sa lupaing ating mana, at ang aking mga anak ay wala na, at tayo ay masasawi sa ilang.
  3 At sa ganitong pamamaraan ng pananalita ang aking ina ay dumaing laban sa aking ama.
  4 At ito ay nangyari na, na ang aking ama ay nangusap sa kanya, sinasabing: Alam ko na ako ay isang amapangitaing tao; sapagkat kung hindi ko nakita ang mga bagay ng Diyos sa isang bpangitain, hindi ko sana naunawaan ang kabutihan ng Diyos, kundi namalagi na lamang sa Jerusalem, at nasawi kasama ang aking mga kapatid.
  5 Ngunit masdan, aking natamo ang isang alupang pangako, at sa bagay na ito ako ay nagagalak; oo, at balam kong ililigtas ng Panginoon ang aking mga anak mula sa mga kamay ni Laban, at ibabalik silang muli sa atin sa ilang.
  6 At sa ganitong pamamaraan ng pananalita inaliw ng aking amang si Lehi ang aking inang si Saria, hinggil sa amin, habang kami ay naglalakbay sa ilang patungo sa lupain ng Jerusalem, upang makuha ang talaan ng mga Judio.
  7 At nang kami ay nakabalik na sa tolda ng aking ama, masdan, ang kanilang kagalakan ay nalubos, at ang aking ina ay naaliw.
  8 At siya ay nangusap, sinasabing: Ngayon nalalaman ko nang may katiyakan na ang Panginoon ang anag-utos sa aking asawa na tumakas patungo sa ilang; oo, at nalalaman ko rin nang may katiyakan na pinangalagaan ng Panginoon ang aking mga anak, at iniligtas sila mula sa mga kamay ni Laban, at binigyan sila ng kapangyarihan upang bmaisagawa nila ang bagay na iniutos ng Panginoon sa kanila. At sa ganitong pamamaraan ng pananalita siya ay nangusap.
  9 At ito ay nangyari na, na sila ay lubhang nagalak, at nag-alay ng ahain at mga handog na susunugin sa Panginoon; at sila ay nagbigay ng bpasalamat sa Diyos ng Israel.
  10 At matapos na sila ay makapagbigay-pasasalamat sa Diyos ng Israel, kinuha ng aking amang si Lehi ang mga talaang nakaukit sa mga alaminang tanso, at sinaliksik niya ang mga yaon mula sa simula.
  11 At namasdan niya na yaon ay naglalaman ng limang aaklat ni Moises, na nagbibigay-ulat sa paglikha ng daigdig, at gayon din kina Adan at Eva, na ating mga unang magulang;
  12 At gayundin ng atalaan ng mga Judio mula sa simula, maging hanggang sa pagsisimula ng paghahari ni Zedekias, hari ng Juda;
  13 At ng mga propesiya rin ng mga banal na propeta, mula sa simula, maging hanggang sa pagsisimula ng paghahari ni aZedekias; at marami rin sa mga propesiyang binigkas ng bibig ni bJeremias.
  14 At ito ay nangyari na, na natagpuan din ng aking amang si Lehi, sa mga laminang tanso, ang atalaangkanan ng kanyang mga ama; sa gayon nalaman niya na siya ay inapo ni bJose; oo, maging iyon ding si Jose na anak ni cJacob, na dipinagbili sa Egipto, at epinangalagaan ng kamay ng Panginoon upang mapangalagaan niya ang kanyang ama, si Jacob, at ang kanyang buong sambahayan mula sa pagkasawi sa taggutom.
  15 At sila ay apinalaya rin mula sa pagkabihag, at mula sa lupain ng Egipto, ng yaon ding Diyos na nangalaga sa kanila.
  16 At sa gayon natuklasan din ng aking amang si Lehi ang talaangkanan ng kanyang mga ama. At si Laban ay inapo rin ni aJose, kaya nga iniingatan niya at ng kanyang mga ama ang mga talaan.
  17 At ngayon, nang mapag-alaman ng aking ama ang lahat ng bagay na ito, siya ay napuspos ng Espiritu, at nagsimulang magpropesiya hinggil sa kanyang mga binhi—
  18 Na ang mga laminang tansong ito ay hahayo sa lahat ng bansa, lahi, wika, at tao na kanyang mga binhi.
  19 Samakatwid, sinabi niya na ang mga laminang tansong ito ay ahindi kailanman masisira; ni hindi palalabuin ng panahon. At siya ay nagpropesiya ng maraming bagay hinggil sa kanyang mga binhi.
  20 At ito ay nangyari na, na sa gayon ako at ang aking ama nakasunod sa mga kautusang iniutos sa amin ng Panginoon.
  21 At aming nakuha ang mga talaang iniutos ng Panginoon sa amin, at sinaliksik ang mga yaon at natuklasan na ang mga yaon ay kanais-nais; oo, maging anapakahalaga para sa amin kung kaya’t maaari naming bmapanatili ang mga kautusan ng Panginoon sa aming mga anak.
  22 Anupa’t ito ay naaayon sa karunungan ng Panginoon na dapat naming dalhin ang mga yaon, habang kami ay naglalakbay sa ilang patungo sa lupang pangako.