ANG UNANG AKLAT NI NEPHI ANG KANYANG PANUNUNGKULAN AT MINISTERYO
KABANATA 12
Nakita ni Nephi sa pangitain ang lupang pangako; ang kabutihan, kasamaan, at pagbagsak ng mga naninirahan dito; ang pagparoon ng Kordero ng Diyos sa kanila; kung paano hahatulan ng Labindalawang Disipulo at ng Labindalawang Apostol ang Israel; at ang nakaririmarim at maruming kalagayan ng mga yaong nanghina sa kawalang-paniniwala. Mga 600–592 B.C.
1
At ito ay nangyari na, na sinabi sa akin ng anghel: Tingnan, at masdan ang iyong mga binhi, at gayon din ang mga binhi ng iyong mga kapatid. At tumingin ako at namasdan ang alupang pangako; at nakamalas ako ng maraming tao, oo, maging ito ay kasindami ng buhangin sa dagat.
2
At ito ay nangyari na, na namasdan kong sama-samang nagtipon ang maraming tao upang makidigma, ang isa laban sa isa; at nakamalas ako ng mga adigmaan, at alingawngaw ng mga digmaan, at malawakang pagkakatay sa pamamagitan ng espada sa aking mga tao.
3
At ito ay nangyari na, na namasdan kong lumipas ang maraming salinlahi, ayon sa mga digmaan at alitan sa lupain; at namasdan ko ang maraming lunsod, oo, maging hindi ko na mabilang ang mga yaon.
4
At ito ay nangyari na, na nakakita ako ng aabu-abo ng bkadiliman sa ibabaw ng lupang pangako; at nakakita ako ng mga pagkidlat, at nakarinig ako ng mga pagkulog, at paglindol, at lahat ng uri ng malalakas na ingay; at nakita ko ang lupa at ang mga naglalakihang bato, na nabiyak ang mga yaon; at nakita ko ang mga bundok na nangaguho at nagkapira-piraso; at nakita ko ang mga kapatagan ng lupa, na nagbitakan ang mga yaon, at nakita ko ang maraming lunsod na cnagsilubog ang mga yaon; at nakita ko ang marami na ang mga yaon ay nangasunog ng apoy; at marami akong nakitang nangagbuwalan sa lupa, dahil sa mga pagyanig nito.
5
At ito ay nangyari na, na matapos kong makita ang mga bagay na ito, nakita ko ang aulap ng kadiliman, na ito ay nawala sa balat ng lupa; at masdan, nakita ko ang maraming tao na hindi nalipol dahil sa dakila at kakila-kilabot na paghuhukom ng Panginoon.
6
At nakita kong bumukas ang kalangitan, at ang aKordero ng Diyos na bumababa mula sa langit; at bumaba siya at ipinakita ang kanyang sarili sa kanila.
7
At nakita ko rin at pinatototohanan na ang Espiritu Santo ay anapasalabindalawang iba pa; at sila ay inordenan ng Diyos, at pinili.
8
At nangusap ang anghel sa akin, sinasabing: Masdan ang labindalawang disipulo ng Kordero, yaong mga piniling maglingkod sa iyong mga binhi.
9
At sinabi niya sa akin: Naaalaala mo pa ba ang alabindalawang apostol ng Kordero? Masdan, sila ang mga yaong bhahatol sa labindalawang lipi ng Israel; anupa’t ang labindalawang tagapaglingkod sa iyong mga binhi ay hahatulan nila; sapagkat kayo ay kabilang sa sambahayan ni Israel.
10
At ang alabindalawang tagapaglingkod na iyong namamasdan ang siyang hahatol sa iyong mga binhi. At, masdan, sila ay mabubuti magpakailanman; sapagkat dahil sa kanilang pananampalataya sa Kordero ng Diyos ang kanilang mga bkasuotan ay ginawang puti ng kanyang dugo.
11
At sinabi sa akin ng anghel: Tingnan! At ako ay tumingin, at namasdan na atatlong salinlahi ang pumanaw sa kabutihan; at ang kanilang mga kasuotan ay puti maging tulad ng sa Kordero ng Diyos. At sinabi sa akin ng anghel: Ang mga ito ay ginawang puti sa pamamagitan ng dugo ng Kordero, dahil sa kanilang pananampalataya sa kanya.
12
At ako, si Nephi, ay nakita rin na marami sa aikaapat na salinlahi ang pumanaw sa kabutihan.
13
At ito ay nangyari na, na nakita ko ang maraming tao ng mundo na sama-samang nagtipon.
14
At sinabi ng anghel sa akin: Masdan ang iyong mga binhi, at gayon din ang mga binhi ng iyong mga kapatid.
15
At ito ay nangyari na, na ako ay tumingin at namasdan ang mga tao ng aking mga binhi na sama-samang nagtipon sa maraming pangkat alaban sa mga binhi ng aking mga kapatid; at sila ay sama-samang nagtipon upang makidigma.
16
At nangusap ang anghel sa akin, sinasabing: Masdan ang bukal ng amaruming tubig na nakita ng iyong ama; oo, maging ang bilog na kanyang sinabi; at ang kailaliman nito ay kailaliman ng cimpiyerno.
17
At ang aabu-abo ng kadiliman ay mga tukso ng diyablo, na bbumubulag sa mga mata, at nagpapatigas sa mga puso ng mga anak ng tao, na umaakay sa kanila palayo patungo sa cmaluluwang na lansangan, kaya sila nasasawi at naliligaw.
18
At ang malaki at maluwang na agusali, na nakita ng iyong ama, ay mga walang kabuluhang bguni-guni at ang ckapalaluan ng mga anak ng tao. At isang malalim at kakila-kilabot na dlook ang naghihiwalay sa kanila; oo, maging ang salita ng ekatarungan ng Diyos na Walang Hanggan, at ang Mesiyas na Kordero ng Diyos, na pinatototohanan ng Espiritu Santo, mula pa sa simula ng daigdig hanggang sa panahong ito, at mula sa panahong ito at magpakailanman.
19
At habang sinasabi ng anghel ang mga salitang ito, namasdan ko at nakita na ang mga binhi ng aking mga kapatid ay nakipaglaban sa aking mga binhi, alinsunod sa salita ng anghel; at dahil sa kapalaluan ng aking mga binhi, at sa mga atukso ng diyablo, namasdan kong bnadaig ng mga binhi ng aking mga kapatid ang mga tao ng aking mga binhi.
20
At ito ay nangyari na, na namasdan ko, at nakita na ang mga tao ng mga binhi ng aking mga kapatid ay nadaig ang aking mga binhi; at maramihan silang kumalat sa ibabaw ng lupain.
21
At nakita ko silang sama-samang nagtipon sa maraming tao; at nakita ko ang mga adigmaan at alingawngaw ng mga digmaan sa kanila; at sa mga digmaan at alingawngaw ng mga digmaan ay nakita ko ang paglipas ng maraming salinlahi.
22
At sinabi sa akin ng anghel: Masdan, sila ay amanghihina sa kawalang-paniniwala.
23
At ito ay nangyari na, na aking namasdan, na matapos silang manghina sa kawalang-paniniwala sila ay naging amaiitim, at karima-rimarim, at bmaruruming tao, puno ng ckatamaran at lahat ng uri ng karumal-dumal na gawain.
|